Lumipas na ang Araw ng Halalan. Nabilang ba ang balota mo?
Subaybayan ang balota. Kung tinanggihan o may problema, may oras pa sigurong ayusin.
Subaybayan ang balota koKung na-flag ang balota mo
- Basahin ang sulat, email o text mula sa county mo. Nakasaad doon kung ano ang mali.
- Ang pag-aayos ng problema sa pirma o petsa ay nakadepende sa bawat county, hindi pare-pareho sa buong estado; tawagan ang iyong county election office kung naabisuhan ka, o bumoto ng provisional ballot (pansamantalang balota) sa Araw ng Halalan. Isang patakaran sa buong estado: kung hindi na-verify ang iyong ID, magbigay ng patunay ng ID sa county board hanggang Nob. 9, ang ikaanim na araw pagkatapos ng halalan.
- Tawagan ang county election office mo. Puwede mong sabihin:
Hello po, bumoto po ako sa koreo at na-flag daw po ang balota ko. Ano po ang kailangan kong gawin para maayos ito, at hanggang kailan po? Puwede ko po bang gawin ngayon?
May problema sa pagboto? Libre at walang partidong hotline: 866-OUR-VOTE · 888-VE-Y-VOTA · 888-API-VOTE · 844-YALLA-US